"Naka move on kana ba?" "Di pa yan nakakamove on"
A thought that makes me laugh every time i hear that word. For me, and Frankly speaking 100% sure that I've already moved on. It's been 1 year and 2 months ago, Naiyak ko na ang dapat iiyak. Nakalimutan ko na ang dapat kalimutan. Bakit kaya ayaw niyo maniwala?
Sa loob ng 1 year and 2 months
Syempre, na in-love na ako, yun nga lang sa maling tao pa.
OO, sa maling tao, I don't have any regrets, actually I'm so happy that I met that person
that person who changed my life and also changed goals and dreams.
LOVE....
Love the person who still LOVES you at your BEST and also at your WORST.
Love the person who accept what and who you are.
Love the person who want to see you every time.
Love the person who join in your crazy days
In short, Love the person who's always there for you and willing to give their shoulder if you want to cry.
I'm lucky that I have them...
many to mention pero kilala na nila kung sino sila.
BAKIT nga siya ang topic ko?
well at first hindi sa hindi ako maka move on or bitter ako.
ang dami kasing nagtataka kung bakit hanggang ngayon wala pa akong boyfriend.
I'll explain WHY...
Why?
I need to rest..
rest? because of my heartaches in my last boyfriend. I know how hard to be in a relationship. More Months More complicated. Habang tumatagal lalong sumasakit, sumasakit kasi nakilala mo siya lalo.
I don't have any interest..
OO, may crush ako.. hanggang dun lang ako, I don't expect more than that, I have suitors pero hindi ako kinilig, wala kong maramdaman.. I don't think manhid ako. ayoko lang talaga siguro.
Hindi ako nag-aaral...
Ayokong ikahiya ng boyfriend ko, ayokong ipagmalaki niya na hindi nagaaral gf niya. okaaaay, kahihiyan kasi yun for me lalo na naranasan ko kung paano i-discriminate nila mama yung ex ko na hindi nag-aaral nun. mahirap sa side ko lalo na siguro dun sa guy na yun. Mahirap sa way na kahit gusto mo siya hindi pwede kasi ayaw ng parents mo.
Choosy..
Well, maging praktikal ka sa lahat ng bagay, hindi naman ako choosy sa mukha ah? choosy sa ugali. mahirap na baka makakuha ako ng mas WORST pa sa last ex ko, mahirap yun. nagkaroon kasi ako ng regrets kung bakit ko siya minahal ng sobra. yung feeling na parang hindi naging kayo. ganun yung feeling nun, ayoko ng maranasan pa ulit yun,
Willing and have an interest to my religion..
hindi ko finoforce na mag join siya sa religion ko, may interest lang.. bata pa kami para isipin ang mga bagay na pang mag asawa lang.
Hindi ako naghahanap.. Naghihintay ako, hinihintay ko yung guy na gugustuhin ako sa way na AKO.. yung wala siyang ipapabago sakin. yung tatanggapin kung anung meron at wala ako. yung sasakyan lahat ng trip ko. Ayoko ng sobrang perfect boyfriend. I need a PARTNER
Partner na..
- best friend
- hindi ako iiwan
- papatawarin ako sa mga pagkakamali ko
- laging nandiyan
- laging pinapasaya ako
- hindi mag sasawa sakin
- hindi ako mumurahin
- Irerespeto ako
- hindi patatagalin yung away namin
Mahirap mangarap ng ganiyang partner lalo na sa ganitong mukha at katawan.
Sino ba kasi may gusto yung girlfriend niya
MATABAAAAAAAA =)))
Wala diba?
kahit nga panget gusto niya maganda ang girlfriend niya..
As of now..
I'm still waiting for my right guy, sabi kasi nila maghintay lang ako dadating din daw siya.
Ayokong sumuko sa paghihintay sa lalaking yun, I may not be his dream girl pero gagawa ako ng paraan mapasaya lang siya sa kung ano ang meron ako. Maaring nagkamali ako noon pero siguro matatama ko na yung pagkakamaling yun.
Mahirap mag-isa pero pinipilit kong maging masaya..
panandalian lang naman 'to, at isa pa hindi naman ako nagmamadali. ine-enjoy ko pa yung pagkadalaga ko. nakakamiss lang kasi yung may nilalambing ka, yung may sinasabihan ka ng I LOVE YOU! , yung may ka date ka , yung dahilan ng pagiging blooming at masaya mo , yung may inspirasyon ka.
Single ka din?
Just wait for your Right Guy/Girl
na traffic lang yun. :)
- LOVELYSDG