Saturday, May 30, 2015

Short Cut

I remember those lines, I remember the day he said..
"Na fofall na ako sa'yo" 



Sa totoo lang, gwapo ka naman talaga e
alam mo naman lahat ng tropa ko may crush sa'yo
hindi ko alam, hindi ko alam kung bakit hindi kita naging crush. HAHAHA!
siguro ayoko lang talaga sa gwapo that's it. ðŸ˜‚



2 weeks to FOREVER

2 weeks na tayo baby ðŸ˜Š
Sorry for being rude sometimes, I just want to let you know na
I love you more than you could do, minsan nga lang nasasapawan
ako ng pagmamahal mo. HAHAHA! ðŸ˜” ayaw mo kasing nalalamangan
kita sa ka sweetan ko.


Ang cute nga ng story natin e, well actually kung sino man makakarinig
or makakaalam ng story natin e pag kakamalan akong dyosa. HAHAHA!
Sa totoo lang hindi ko alam kung anong ginawa ko para ma in love sakin
ng ganito, kung ano bang meron sakin bakit sa dinami-daming nagkakagusto
sa'yo ako pa, hindi sa sinasabi kong lugi ako a? pero syempre diba? nakaka
pagtaka lang ng bahagya. HAHAHAHAHA! napaka layo ng itsura ko sa crush
mo na nakita ko sa pc niyo (jelousy) LOL! kemerooooot! HAHAHAHA



"Gusto na kita, nung una pa lang kitang nakita" 

isa sa mga sinabi mo na hirap na hirap akong paniwalaan. HAHAHA!
at paulit-ulit kong tinatanong ko sayo kung BAKIT?!, sabi nga sa
twitter "it's normal to ask him why" lalo na kapag ka duda duda,
sa totoo lang ako yung taong napapansin kasi makulit ako, kalog,
laging sabog pero sabihin mong LOVE AT FIRST SIGHT? ðŸ˜±
BIG WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT?! 
SERIOUSLY? ARE YOU FREAKING KIDDING ME? LELS
sabi mo ako yung laging tinitignan mo noon kasi sa tropa namin ako
yung may kapal ng mukha para i-approach ka pero totoo naman talaga
yun ganun talaga pag wala kang interes sa tao. YES! one of the weirdest
thing in this story, lahat talaga ng friends ko type siya pero not me. HAHAHA!
iba yung type ko yung tropa niya. HAHAHAHAHAHA! kaya yun, ang lakas
ng loob ko na mag tanong ng kung ano-ano kasi walang spark! HAHAHAHA!



Natatandaan ko pa noon nung una kita nakausap ng matagal alam ko dun tayo
naging close e, nung tinanong ako ng tropa mo na handa akong magpalit ng religion
para sa tropa mong gustong-gusto ko. Kinikilig kapa nga nun e, pero ang cute din
ng tadhana e dinala ako sa'yo, yung tropa mong paasa e sinukuan ko kaya napunta
ako sa'yo. HAHAHAHA! tapos lagi na tayong naguusap nun, sumasabay na din ako
sa inyo kumain ng lunch, uwian, minsan bonding ganern!!



"SPORTFEST 2015" 

Walang something special nung nakita ko siya, WALA TALAGA and then nung
papunta na kami ng araneta naawa ako ng bahagya tatabihan ko siya that time
natutuwa kong kasama siya e, budoy kasi. HAHAHAHA! e ang kaso sinaway
ako ng tropa niya bakit hindi ko daw tabihan si crush e ayun, tumabi ako then
the whole trip is kinda boring kung siguro siya yung katabi ko baka nag kakakanta
kami sa bus ng walang pakielam sa mga pasahero. LOL!


asusual, hindi ko siya katabi ng seat kasi nga yung crush ko laging kong katabi
that time kasi parang konti nalang nararamdaman ko kay crush kasi alam kong
PAA siya, PAA-SA LOL! HAHAHAHA! ayun, kahit gusto ko siyang katabi
wala, wala kong magawa kundi i-enjoy ang moment kay crush na hindi naman
ako kinakausap BORRRRRRRRRRRRRENG -_-


one thing that I love in this guy (baby) is yung binigyan niya kong ng siopao
na hindi niya kinagatan muna para bigyan ako, nahiya ako nung una kasi wala
pang kagat sa kaniyang pera pero ako yung unang kakagat NO WAY! pero
he said "Okay lang yan" kaya kumagat ako, natatawa nga ko sa kwento niya
sabi niya hinihintay niya na pakagatin ako ni crush ko pero ang tagal daw niya
kaya nauna siya nung inalok ako ni crush, na paatras siya kasi nakita ni crush
na hawak ko yung siopao ni baby. HAHAHAHA! medyo epic. ayun!


uwian na, nag champion ang branch namin sa basktball the rest puro 1st runner
up lang pero ATLEAST!! ayern, selfie time sa totoo lang gustong gusto ko yun
kasama sa selfies mukhang mukha din yun e mahilig sa picture (one of our
common sides) tapos yung ibang tropa namin gusto ng umuwi pero kaming
2 ayaw pa so inaya ko siyang gumala pa pero wala kaming naisip na 2
hanggang sa may nag sabi ng cirlce ayun dun kami pumunta asusual mag 1
lang ulit siya 2 kaming couple e, yung 1 mag jowa talaga tapos kami pinag
partner kami ni crush pero the whole night I was looking at him sa I've
said budoy talaga siya ang saya niya tignan mag isa kasi alam mong naiinggit
siya kasi walang partner. AYERNN!!



The Ulitimate Bonding

Ultimate? Kasi akala mo wala ng bukas, actually that day siya yung may
hawak ng cellphone ko, and I don't know why kasi medyo matagal na yun.
HAHAHA! ayun, siya yung nag rereply sa lahat ng mga nag tetext sakin nun
until may pumatol sa pakikipag landian niya sa mga katext ko. Meron gustong
makipag meet e ang kaso hindi naman ako yung kalandian nung katext niya
medyo na excite ako na ewan kaya umoo na ako (ako na yung may hawak ng
cellphone ko that time) and one thing that I didn't noticed that time yung pag
pigil na nagaganap pinipigilan niya na maki pag meet ako dun sa guy na yun na
paulit-ulit e ang kaso makulit ako kaya hindi niya nagawa ang pag pigil na yun at
that point kasi KAIBIGANG MATALIK ko lang siya. AHAHA! I met the guy pero ramdam
mo yung pang bubully niya sa guy na yun, kesyo mukhang poor naka varsity jacket pa
daw na red, naka short at na naka slippers with dirty feet. HAHAHAHA! napapansin
ko naman yun sa guy pero yun na yun e, PATUSIN NA LANG! tinapos agad yung pakik
ipag meet ko sa guy, nag sinungaling ako na may thesis kaming gagawin kaya saglit lang
ako na aalibadbadran ako kasi sa mga lalaki ng minsan mo lang makita e kung makahawak
na e akala mo ang tagal na ng pinagsamahan namin. LOL! umuwi yung guy at natira kaming
3, si other friend, si bbymhl at ako. Medyo nag bonding kaming 3 lakad to the max and
syempre nag ka heart to heart talk kami sa isang garden ng kilalang mall around FAIRVIEW
kinuwento niya ang masalimuot niyang pagka busted sa isang girl. Kinuwento niya na lahat
ng klase ng effort e ginawa niya pero ang kapalaran niya parin bandang huli ay SAWI!
HAHAHAHAH! natakot na daw siya manligaw ulit kasi HE HATES REJECTION na daw
kasi, I can feel him that time parang ni reject na din kasi ako ni CRUSH that time
although wala akong effort pero feel ko talaga na SAWI ako, He asked me about
love humingi ng payo kumbaga kung SINO ang dapat mahalin, I remember those
lines that I said to him na napaisip ako.. (WEIRD THINGS)

Siya : Gusto ko kasi maalaga, yung parang inaunder ako ganun yung gusto ko
Ako : Dapat pag ganiyan dapat mas matanda sayo kasi aalagaan ka talaga nun

Nakalimutan kong mas matanda ako sa kaniya ng 3 years at biglang napaisip sa mga
nasabi ko, nag bibigay ba ako ng hint na "Ako! Aalagaan kita, hindi kita babustedin!"
Kemerot! LOL things are just weird to me, I don't know Indenial pa siguro ako that
time hindi ko alam kung may gusto ako sa kaniya or ganun talaga ako ka close sa kaniya

Ako : Alam mo mas mahal pa nga kita kay crush e, pero hindi kita crush?!

Ang weird no? diba mas higit yung MAHAL sa CRUSH? although ang CRUSH pwedeng
mahal pero it's different and there's a big difference. HAHAHAHA! hindi ko talaga
makalimutan yung araw na yun. Kasi sobrang napagod ako, YES! lahat ata ng stall sa
2 mall na pinuntahan namin e napasukan namin gabi na at parang wala pa kaming
balak umuwi, yung 1 kasama namin umuwi na. Medyo may pera pa ata ako nun
pero ayokong nauubos ang pera ko trip ko kumanta that day (PASIKAT SHET!) HAHA
at dahil mabait ang kapalaran may batang shunga na nag laglag ng token at hindi
ginamit (MOMENT TO SHINE!!) Humanap ako ng kanta at TAKE A BOW ni RIHANNA
ang napili ko, keri lang walang high notes swabe kumbaga ayun hindi ko alam
kung nagagandahan siya sa boses ko or not kasi ang tahimik niya naka tingin lang
siya sa screen ni hindi ako nililingon!! hinintay ko talagang lumingon siya pero
WALA TALAGA E, tingin nalang ulit sa screen hanggang sa matapos yung kanta
at nag aya na kong lumabas.. WALA MAN LANG COMMENT TONG BUSET NA 'TO!

Siya : Ang ganda ng boses mo, na kakainlove buti hindi ka paos no? ako paos
           pag pagod e.

HAHAHAHAHA! well ang boses ko ay maganda masaya na ko at napansin niya
pagod na ko that time hindi ko alam kung paano na singit sa usapan yung lokal
ng capitol pero nag aya ako na pumunta dun kasi hindi pa daw siya nakakapasok
sa lokal na yun. Pagoooooood na talaga ako sakit na din ng mga binti ko pero
pinilit kong maglakad malibot lang siya. Ang weird no? Friend ko lang naman
talaga siya that time pero it makes me think why I'm acting that way. :) Nandun
na kami sakto namang may practice ang choir, alam niya yung song ang daming
comment bla bla bla bla I was looking at him that time na appreciate ko bigla
yung pag ka pogi niya, natanong ko nga sa sarili ko e. "Tae 'to? kaya ka pala
na gugustuhan nila. gwapo ka talagang buset ka. HAHAHA" 


FRIEND ko lang yan!!

It's a friend get together time, nakalimutan ko na yung reason bakit nag aya
sila ng chill pero alam ko may okasyon yun nakalimutan ko lang kung ano.
Sinama ko siya, I don't know why pero sinama ko siya yun yung unang tapak
niya ng bahay syempre todo asikaso ako, tinanong ko kung naiinitan siya,
kung nagugutom, kung naiinitan or kung nauuhaw...

Siya : Grabe ka naman, todo asikaso ka sakin ah!
Ako : Syempre, ganun talaga pag tropa...

Bigla kong napaisip. HAHAHAHAHA! punyeta hindi ako ganito sa mga tropa
ko super alaga LOL! medyo napapaisip na din ako sa totoong feelings ko
para sa kanya but still, I'm on my denial stage. Pinakilala ko siya kay
mama as friend ko yung mga bago kong kasama kasi medyo may conflict
kami ng JERBS noon (Friends) ayun yung mama ko sobrang FC niya lalo
na't nalaman niyang ka religion namin siya, todo daldalan hanggang sa
may taong binanggit si mama na friend niya na naka tira sa lugar nila
KABOOM! tadhana nga naman at kilala din niya, kasama niya daw sa choir
BLA BLA BLA! yun yung araw na na-OP ako sila lang ng mama ko yung
nauusap, halos naka tingin lang ako sa kanila ang weird pero may
something talaga sa kaniya...

Pag dating namin sa place na pinuntahan namin pinutakte ako ng
kantsawan..

"Kayo ah!! may hindi kayo sinasabi samin"
"Kayo na?"
"Yiiiiiie, si lovely lumalovelife"

Pero ang natatandaan ko lang na sinabi ko noon sa kanila...

"Grabe kayo, malisyoso kayo FRIEND KO LANG YAN! diba?"

tumango lang siya, nung time KJ siya may halaga kasi siyang event
kinabukasan kaya hangga't maari e ayaw niyang maki jam samin
ang weird no? sasama siya sakin para samahan ako sa lugar na
hindi niya alam at hindi niya kilala yung mga kasama ko pero
etong kaibigan ko na 'to ay MABAIT! HAHAHAHA! ayoko mag assume
na special ako sa taong 'to malay mo naman, ganun talaga siya sa mga
tropa niya diba?


Pagkatapos ng araw na yun, lagi na kaming magkasama nagbonding pa
nga kami ulit nun. Kwentuhan hanggang sa magsawa kami minsan nga
nahihiya pa yung oras samin kasi may mga obligasyon kami sa mga
bahay namin, hindi kami nag kakatext that time kaya ang bonding  o ang
pag uusap namin e sa school o kaya pag uwian (sabay din kami umuuwi)
pero nung time na yun lagi kong katabi si crush (DENIAL STAGE PA NGA KO
DIBA?) ayun kaya minsan nag yayaya siya kung san san para maka pag
bonding kami. Komportable na kami sa isa't-isa pinagkakamalan na nga
kaming mag jowa but still "WE'RE GOOD FRIENDS" padin ang sagot ko.

Minsan nga my naririnig ako sa kaniya na pinapalampas ko lang
minsan kasi mabulaklak yung tipong mag aassume ka pero binabawi
niya agad...

(Ako, mahilig sa street foods Siya din ata? pero yung isa TUTURUAN mo pa para
makakain ng street foods dibale 3 kami magkakasama yung 1 girl din)

Siya : Ang sarap siguro mag ka girlfriend ng ganito no? yung sabay kayo kakain
            ng street foods
Ako : (AHAHAHAHAHA! oo masarap lalo na pag tayong dalawa) (tumingin lang
             sa kaniya)
Siya : Pero mas masarap siguro kung yung girlfriend mo tuturuan mo kumain ng
            street foods
Ako : (LUUUUUUUUUL!) HAHAHAHAHAHAHAHA ganun?


Saya no? tapos ugali niya na yun. Kapag galing siya ng canteen may dala siyang
HANY para sakin, actually hindi ko siya inobliga na bilhan niya ko lagi pero ang
pag kukusa ay talagang nag eexists sa kaniya, pero at the end of the day kinaka
limutan ko yun kasi nga FRIENDS LANG KAMI, hindi ako nag assume ng bongga sa
lalaking yun, bukod sa gwapo siya e kagagaling niya lang sa busted moments niya
takot na daw siyang ma reject kaya ayaw niya muna manligaw.


Lahat ng nararamdaman ko, alam niya natatandaan ko nun pag nag kukwento ako
sa kaniya lagi akong naka angkla sa braso niya tapos siya naka tingin lang sakin
tapos sasabihan ako ng "WAG NA KASI SIYA! PANGET PANGET NAMAN NUN E!"
pinapakinggan ko yun lagi tapos sabay labas sa kaliwang tenga. HAHAHAHAHA!
Gustong-gusto ko talaga yung crush ko na yun, pero siguro nag sawa ako sa
LULUBOG-LILITAW niyang style..

Monday : Pakikiligin ako
Tuesday : WALA.....ASA DAY
Wednesday : Ganun padin.... ASA DAY
Thursday : Magtetext pag may kailangan
Friday : PARINIG DAY! MANHID PA DIN...
Saturday : Pakilig day ulit
Sunday : AAAAAAAAAASAAAAA DAY!!

Hanggang sa nag ka GF si crush at talaga basag na basag yung kaligayahan ko nun
Sinong sumalo sakin? Siya lang naman. HAHAHAHA! lagi pa din kami mag kasama
nagka text na din kami ng puro talata yung mga replyan namin (puro kalokohan)
sobrang close na namin that time. Hawak ko na cp niya lagi pati din yung pera
niya.. BEST FRIEND ko na ata 'tong mokong na 'to.


MARCH 23, 2015 (PE DAY!)

Appointment : Applying for Call Center Agent
11pm SHARP!!!

Last day na namin sa PE..
Ayun nag kayayaan din kami ng tropa na mag aapply sa call center at sumama
naman siya, KABADO bente siya hindi niya daw alam yung sasabihin niya pero
ako WALA LANG! HAHAHAHAHA malas ako sa mga ganiyang applyan. pffft!
Pag dating sa school usap usap kami lahat kasi malayo yung bahay niya
kaya kung uuwi pa daw siya doble doble pamasahe sa mandaluyong kasi
ang punta namin. HAHAHAHA!

Ako : O ano? kila tropa boy  kana lang
Boy : Di pwede samin andun si tatay kung wala si tatay pwede
Ako : Oh san ka?
Siya : Nahihiya na kasi ako sa inyo e.
Ako : Ngayon kapa nahiya? Ilang beses kana nakakain samin
Siya : kila tropa girl nalang.
Girl : Paalam mo ko ate sama ako sa inyo alam mo naman pag
           ikaw nag paalam dun pinapayagan ako e.
Ako : E pano yung pamasahe niya? doble doble wala ng pera yan
           (PUTA SAMIN YAN PUPUNTA!! AHAHAHAHAHAA)
Girl : Hindi ako na bahala, text mo na si mama
Siya : Oh yun naman pala e, kila tropa girl nalang ako mamaya
            patulog sa inyo a?
Girl : Osige ba. HAHAHAHAHAHA!
Ako : (dismayado, okay punyeta ka magsama kayo buste ka!)
            tinext ko na mama mo.


Sobrang na inis ako that time na gustong-gusto ko siya pumunta samin
pero ayaw na niya baka nga talaga si girl yung gusto niya baka sobrang
nag aassume lang ako pero isa lang alam ko nung araw na yun, wala na
kong gustong makasama kundi siya lang ni hindi ko nga hinanap si crush
nun, gusto ko siya lang yung nakikita ko, gusto ko siya lang katabi ko
PUNYETA! GUSTO NA KITA -_-"  paulit-ulit akong humihiling nun sana
di payagan si girl para ma no choice siya pupunta siya samin tapos hanggang
gabi siya sa bahay. LOL pero wala pa din text yung mama ni girl.. Kaya nag laro
nalang ako ng centipede, volleyball & basketball malibang lang e sakto nung
araw na yun pinansin ako ni crush BINGO! thankyou yung oras ko sayo
muna ha? :)


Pagka check ko ng phone ko

Tita : NAKO! hindi, hindi pwede hindi siya papayagan ng tita niya
           mag trabaho at papa niya. HIndi talaga pwede!


WOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOH! sheeet!
eto na yun, ako yung winner samin siya tutuloy BWAHAHAHAHAHAHAHA!
na dismaya siya nun pero na no choice siya, pag dating as bahay namin
wala siyang magawa ang boring naman talaga kahit may DOTA sa PC
namin boring pa din pfffft! nagtataka din ako ang tahimik niya nung
araw na yun na iilang siya siguro sa tita ko na kinakantsawan kami na
"KAYO NA E! WALA KA MALOLOKO DITO" naisip ko nun baka last
na 'to a? baka hindi na 'to sumama samin sa susunod ayaw niya din
maki selfie sakin basta ang KJ! May internet pa nun samin e sa FB
bulgar ako pero ang twitter ko? hindi. Ilan sa mga classmate ko
ang nakaka alam ng twitter ko, sa twitter nandun lahat ng saloobin
ko lahat ng private lahat na nararamdaman ko at syempre yung
mga kalandian ko nandun..

Sa twitter ang header ko ay ang mukha niya (parang cover photo sa fb)
tapos ang tawag ko sa kaniya J.<3 tapos karamihan ng photos mukha niya
e gusto kong buksan twitter ko nun. Nag dahilan ako ng bongga sa kaniya

Ako : Alam mo nung ginawa kong header mukha mo, ang daming nag follow
           sakin (KAHIT HINDI NAMAN! HAHAHAHAHA) ang gwapo kasi e kaya yun
            (SANA LUMUSOOOOOOOOOOOT! >.<)

Siya : Patingin nga...


Pinatingin ko naman twitter ko pero silip silip lang, baka may makitang tweets
ko malaman niya yung secret ko na gusto ko na siya. sheeeet! HAROOOOOOT!
HAHAHAHAHAHAHA! sabi niya gawan ko daw siya ng twitter ayun ginawan ko
ginawa niya din header yung mukha ko para daw maraming mag follow sa kaniya
HAHAHAHAH! oh diba? uto-uto LOLS nag aya ako na pumunta ng comp shop
ipapakita ko kasi sa kaniya yung larong nilalaro ko lagi tinuruan ko siya para
hindi lang siya maboring. Kung ano-anong ginawa namin tapos ayun nga wala
siyang load nun tapos naki GM siya sakin nagulat mga tropa ko kasi kasama ko
siya ng ganung oras 9pm ata? nag bigay na ng malisya may isang text dun na
galing sa butanding kong kaibigan na....

Butanding : Yan, para mapa inlove mo yang babaeng yan kailangan mo muna
                         bigyan ng pagkain yan babaeng yan may pagka PG yan e.
Siya : OO alam ko naman yun, kahit paano medyo kilala ko naman siya e.

Ayoko mag assume pero may laman yung sinabi niyang yun. LOL! DEADMA
again ako lang naman may gusto sa kaniya e. WAPAKELS... okay on our
way to mandaluyong kasama si sissy at si tropa syempre pati siya nung
nasa bus kami tanong siya ng tanong kung ano isasagot niya (oo katabi ko siya)
ako turo ng turo hanggang sa nandun na kami sa office ang tagal grabe inabot
na kami ng 2am basta mga ganun tapos may psyco dun nag psyco siya about
sa love, kaming 3 ni sissy ako at siya nakikinig sa baklang psyco na yun

Ang dami namin pakakaparehas, katulad ng sa...

Bakla : Pag pupunta ka sa bahay ng jowa anong gusto mo? SHORT CUT O LONG CUT?
Ako at Siya : SHORT CUT
Sissy : Long cut
(SHORT CUT means ayaw pinapatagal yung panliligaw gusto sagot agad agad ang
the long cut means the opposite what I've said on short cut)

Bakla : Pag uwi? Short cut? o Long cut?
Ako at SIya : LONG CUT!!
Sissy : Short cut
(Ang LONG CUT sa pag uwi ay ibig sabihin e gusto mong pang matagalan ang relasyon
at ang Short cut sa pag uwi ay ang kabaligtaran ng unang pahayag)

Bakla : May na kita kayong vase, ilang bulaklak ang nakita niyo?
Ako at Siya : ISA!
(ang ibig sabihin ng dami ng bulaklak ay yung mga taong totoo sayo)
Ako : Baka tayo yun no? sa isa't-isa?
Siya : tumingin lang sakin
Tropa boy : OO nga baka kayo talaga sa isa't-isa
(awkward silence)
Ako : GANERN? (sabay ngiti)
Siya: (still naka tingin lang)


Na interview na kami, sa kasamaang palad ang sissy ko lang ang nakapasa samin
sawi kaming mag totropa. HAHAHAHA! nasa labas na kami ng building at panay
daing na inaantok na kami past 3am na din nun kaya sobrang antok na kami
hindi ko alam pero meron dun harang sa mga kotseng naka park kadenang bakal
trip ko mag balance nun. HAHAHA! para mawala antok ko. Pinalapit ko siya..

Ako : Psst! lika nga dito, pahawak ako sa balikat mo mag babalance lang
ako sa kadenang 'to.
(pumayag naman siya)

Ang natatandaan ko nag uusap kaming 3 nun, hanggang sa hindi na hawak
gawa ko naka yakap na ko sa kaniya na parang natutulog (LANDI KO T.T)
Oo yakap pero medyo ko di ko na alam ginagawa ko ayun nag aya na
umupo tropa ko ayun usap padin kami, dumantay na ko sa balikat niya
seryoso INAANTOK NA TALAGA AKO! HINDI AKO NAGLALANDI SADYANG
ANTOK LANG!

Tropa : Puta naman! umamin na kasi kayo na KAYO NA hindi yung ganiyan
Ako: HALAAAA?! HINDI NAMAN TALAGA E!
(awkward AGAIN!!)

Hanggang sa uwian na at antok na kaming lahat ayun, wala talaga antok na
HAHAHAHAHA! sa bus umupo kami sa likod (opo katabi ko ulit siya)

Siya : Psst! pahiga naman ako sa balikat mo, okay lang?
Ako : Sige lang (sabay tapik sa balikat ko na ibig sabihin ay HIGA NA!)

Nakahiga na siya at yung sissy at tropa ko inaasar na kami na umamin na daw
kami bla bla bla but still hindi naman kami talaga e, FRIENDS lang talaga tsaka
iba gusto neto hindi ako. HAHAHAHAHAHAHA! okay uwian na.. tulog na
GOODNIGHT SA MGA HINDI NA TANGGAP!

MARCH 24, 2015 (MARK THIS DATE!)

LAST DAY OF SCHOOL! KITA KITS NALANG NEXT SEM!!
PE day pa din pero eto na yung kalaban namin yung ibang section

Late kami asusual, pumasok siya ako din pumasok pero si tropa HINDI!
natatandaan ko ang bungad ng mga kaibigan ko nun sakin

"KAYO HA! BAKIT GABI NA MAGKASAMA PA DIN KAYO?"

Pero deny pa din, wala naman talaga e, nag apply lang talaga ko sa trabaho na
kasama siya that't it! nauna lang ako ng minuto sa kaniya pero malayo pa lang
alam kong hinahanap niya ako (ASSUME PA MORE!!) pero hindi nga hinanap niya
ko para mag throwback sa mga nangyare kahapon sa hindi pagtanggap samin.. etc
ayun, bigla siyang nawala sa paningin ko pero okay lang mag kukwento ako sa
mga kaibigan ko..

Butanding : Nabasa mo ba yung text niya sakin kahapon?
Ako : Alin dun?
Butanding : eto oh! (pinabasa yung text niya)
Ako : AHhh yan ba? OO nabasa ko yan (Yung sagot niya sa paano ako mainlove)
Butanding : Umamin na kasi kayo! kunwari pa kayong nauna kang pumasok
tapos susunod siya para hindi namin mahalat na magkasabay kayong pumasok
Ako : hala? hindi nga! wala yung mag kaibigan lang kami! HAHAHA!

Hinanap ko na siya ng time na yun, pero si crush nandun katabi ko kinakausap
ako pero tang ina talaga! HINDI KO SIYA MAKITA hanggang sa nagtanong ako..

Ako : (kay crush) Nakita mo siya??
Crush : Kasama ni girl, kakain daw sila ng Ice cream

Sabi ko na nga ba, si girl talaga ang gusto niya.. Okay ibaling ang oras kay crush
last day naman e. ayun todo usap kami nila crush todo laro at still!! magkasama
pa din sila ni girl na kumakain ng punyetang ice cream!! HAHAHAHA ayun dumating
nalang siyang...

Siya : Nilalamig ako :-/ kinikilabutan ako sa lamig!!
(tumapat pa siya sa cooler)
Ako : (chineck ko kung mainit) Medyo mainit ka a? Umalis kana dyan sa cooler!!
           dalian mo! (tapos kumuha ako ng biogesic at tubig binigay sa kaniya)
           oh! inumin mo!
Siya : Wala naman akong lagnat?
Ako : Kahit na! okay yan, para pag pawisan ka...

Tae nahalata ata ako ng bongga dun a? HAHAHAHA! di naman ako masyadong
obvious na nag aalala ako no? HAHAHAHAHA! sabay baling kay crush pero
kahit ganun nakikita siya ng peripheral vision ko, NAKATINGIN SIYA SAKIN
siguro nabaaitan na sakin. LOL! ayun picture picture last day na e, syempre
grinab ko na yung chance na mag pa picture kay crush.. AT LAST! MAY PIC
NA KAMI at siya? Marami naman kaming picture nun e, tsaka nakikipag
picture siya kay GIRL! HAHAHAHAHA hanggang sa...

Siya : Pst! picture tayo..

Choosy paba ako? hindi na uy. HHAHAHAHAHA!
At dahil last day may party kami magkakaklase chill nanaman pero that time
naki chill na siya.. tabi kami sa upuan nung una pero lumipat ako, ang sikip e
apat kasi kami nakaupo sa pang 3 tao lang (Ako, Siya, Girl and Crush) tapos
nang hihingi siya ng pagkain sakin nun, ang ginawa ko pinausog ko yung
katabi ko para makaupo siya sa tabi ko nun, napapatingin sakin si girl nun
pero makapal ang mukha ko pinapatabi ko pa din siya kahit alam kong ayaw
niyang tumabi sakin nun, sabi ko talaga sa sarili ko nun pag hindi siya tumabi
hindi ko na siya papansinin kahit kailan e tumabi naman kaya okay lang..

Nag uusap kami nun e..

Ako : Ligawan mo na kasi si ting-ting mabait naman yun e
Siya : (nakatingin lang sakin)
Ako : (tinawag ng friend ko)
Siya : (bumulong siya pero narinig ko ng bahagya)
            BAKIT PURO SIYA? HINDI BA PWEDENG IKAW NALANG?!

Pero dineadma ko yun, baka guni guni ko lang pinabili ko siya nun ng lollipop e
para mawala sa isip ko yun. Lahat may TAMA NA! pero ako wala pa, siya ata meron
na? Nakatayo lang siya sa gate nun, wala si crush at girl nag lugaw ata tapos naka
tingin sakin nung una deadma pero ang tigas ayaw umupo pinuntahan ko siya..

Ako : Bakit ka nandyan?
Siya : May tama na ko, upo tayo dyan sa labas
(Umupo kami, pero siya hindi mapakali at naka higa na siya sa laps niya)
Siya : Pwede magtanong?
Ako : Ano yun?
(medyo matagal ang silence)
Siya : Possible bang mainlove ang best friend sa best friend?
Ako : Oo naman possible yun
Siya : Paano naman?
Ako : Pag laging magkasama syempre dun na dedevelop yun.
Siya : Kase alam mo na fofall na ko sayo....
Ako : WEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEH?!
Siya : Oo nga!
Ako : Bakit? Paano? Anong nagawa ko?

At sabay explain niyang dati niya pa daw niya ko gusto dati pa, sinabi niya na sobrang
cool ko daw nun kasi approachable daw akong tao, ang ingay, ang cute daw? Sa totoo
lang hindi ako makapaniwala na ganun yung tingin niya sakin, hindi ko masyadong
nakita yung mga motibo niya yung tipong ayaw niya pa raw umuwi gala daw kami
yung mga ganun? hindi ko inisip na may gusto siya sakin. NORMAL ang lahat sakin
baka ganun talaga siya sa mga kaibigan niya yung ganun? HAHAHAHA! natatawa
lang ako pag super throwback kami, may motibo na nga di ko pa daw nahahalata

it's our 2nd month and it's been a while na parang kailan lang mag kaibigan lang
kami, maraming nagulat asusual sobrang bilis ng pangyayari eto talaga ang real
story..

"Ano tuloy paba natin 'to kahit bakasyon na?" sabi niya
"Ikaw bahala" Sabi ko, "Nasasayo yan"
"Go?"
"Edi Go"

Akala ko GO sa panliligaw, yun pala KAMI NA! HAHAHAHAHA! nung may
nag tanong samin

"Kayo na?" sabi ng isa namin couple classmate
"Tanong mo sa kaniya" Sabi niya
"Ha? HINDI PA!" sabi ko
"Ha?" sabay tingin niya sakin
"Ay OO KAMI NA!"

Nagulat ako, ayaw niya nga pala ng rejection ayun, kaya naging
kami na ng gabing yun. Alam mo? Hindi ko akalain na mamahalin
kita ng ganito (KORNI MODE ON) sobrang mahal na mahal kita
ang sakit sa dibdib pag nalalaman kong nasasaktan kita ng hindi
ko naman talaga sadya, natatakot ako gumising ka isang araw
makakalimutan mong mahal mo ako kasi nasaktan kita ng bongga
may pagka player wanna be ako, pero pag dating sayo ang tino tino
ko. Sinusunod ko lahat ng sinasabi mo kahit parang alam mong
hindi, pero ginagawa ko talaga yun. Ni hindi kita masigawan sa
harap ng maraming tao kahit na galit galit ako (ganun ugali ko dati)
Nagagawa kong mag I love you at maging malambing sayo kahit
hindi naman ako ganun dati, Oo gwapo ka pero alam mo naman
na hindi ko type yung mga ganiyang itsura diba? Alam ko iniisip
nilang pinikot kita kase nga HINDI DAW TAYO BAGAY pero marami
namang nagsasabi ng we're cute together (alam ko naman yun chos!)
yung iba palihim na pinapanalangin na sana mag hiwalay na tayo
pero alam mo? lahat ng panalangin na yun tinatanggap ko kasi
kahit anomang mangyare ngayon, hahawak lang ako ng mahigpit sayo
kasi alam kong hinding-hindi moko bibitawan, alam kong kahit maputol
lahat ng parte ng katawan mo alam kong meron at merong isang bahagi
ng katawan mong nakadikit sakin. Ngayon ko lang sinabi 'to sayo kasi
nahihiya akong maging korni sa harap mo, ako kasi yung nagbibigay ng
lakas ng loob sayo e pag siguro nakita mo kong ganun baka maiyak sa
sobrang korni ko. HAHAHAHAHA! (IYAKIN :-P) Pag alam kong nasasaktan
kita, naiiyak ako. hindi ko naman talaga kasi gustong mangayare yun
sadyang ganun lang talaga pero hindi ko ginusto yun. HAHAHAHA!

Again, Jomari Galman Sabas
Kahit na sobrang moody ko
Kahit na hindi ako showy sa nararamdaman ko
Kahit na feeling mo hindi ako masaya kapag kasama ka
Kahit na minsan hindi ko naiisip yung nararamdaman mo
Kahit na nasasaktan kita
Kahit na hindi kita masyadong maipagmalaki
Kahit na hindi mo ko madala sa mga lugar na gusto kong puntahan
Kahit na hindi mo ma date
Kahit na hindi mo mabigay mga gusto ko
Kahit na minsan ako pa nagbibigay ng pamasahe sayo para makapunta lang samin
Kahit na ang kulit kulit mo
Kahit na minsan isip bata
Kahit na minsan ang ashim mo
Kahit na minsan wala kang pang load
Kahit na butas yung short mo
Kahit na plastic lang yang black shoes mo! HAHAHAHA
Kahit na hindi ka marunong mag floating XD
Kahit na pumanget ka..
Kahit na ugod ugod kana.. (MAUUNA ATA AKO T_T)

Iisang tao lang yung gusto kong makasama, IKAW YUN JOM..
Ikaw at ikaw lang..
WALA NG IBA....
I want to marry you right now,
I want you to be part of my amazing life
I'll make sure I'll be the perfect wife in the whole world..
I'll be the good mother of your kids
Sa ngayon, sabay muna na natin harapin ang thesis 1 at thesis 2 natin
magtutulungan tayo sa pangarap ng mga magulang natin para satin..




NAPAKA KORNI PERO TOTOO YAN!
Nagmamahal sayo ng sobra-sobra-sobra...,
LOVELY SOBREMONTE DE GUZMAN
(soon to be SABAS)

HAHAHAHAHAHAHAHAHA! <3   

Saturday, March 7, 2015

Baby you are


It takes time to realize that you love that guy.
that guy makes your day,
that guy can take your breath away,
that guy can make you smile every single day,
that guy can prove that worth you're melting for.

But there's one thing that I hate.
the feeling isn't MUTUAL. </3


Since day one..
I really do like him, I don't know
basta hindi ko alam kung bakit,
maybe he looks like my dearest friend
he's better than my friend naman.
At first it's just an ordinary crush
ORDINARY means
I just like him not LOVE him
pero habang tumatagal lalong may meaning!!!
LOL


At that time kasi, I'm still moving on with my ex,
so I don't notice his cute and nice smile,
tsaka hindi pa kami close ng mga TROPA niya,
hindi ko din siya friend sa FACEBOOK kaya
hindi ko nakikita yung mga selfies niya
and then ONE DAY.........
may nag add sa kaniya sa group ng section namin
and I saw his account he's really cute
SUUUUUUPER!!!


Ako kasi yung tipo ng babae na TROPA ng lahat,
hindi ako na oOP (basta nasa mood)
kaya triny ko kausapin yung mga tropa niya
ayun, I got my hidden agenda.
Nakausap ko siya hindi ko matandaan pero
nagkausap kami dahil naki share siya ng payong sakin
syempre hawak niya natatandaan ko pa nun
lumingon ako sa mga barkada ko para iparating
na kinikilig na ako ng bongga!!
ang they got it all the way. :-)


Nilbre ko siya ng PALITAW pero tropa niya yung
kumain, may mapait thingy daw kase e hindi kami
talaga masyadong nag uusap kasi nga mahiyain
siya e the feeling is mutual!! nahihiya akong
i-approach siya. Nung una kaya ko pa pero
ngayon mamamatay na ko pag nag ka titigan kami. T_T



Sounds like I can't look to his eyes. HAHAHAHA!
and then one day, nanaginip ako about sa kaniya
na weirdohan talaga ako hindi ko alam kung bakit
pero siya talaga yun e. sa panaginip kong yun
niyayakap niya ko something like we're been
together, like we're FOREVER pero dahil
panaginip WALANG FOREVER chos!!


and then nag reasearch ako ng bonnga sa kaniya,
sa mga tropa niya at sa kababata niya.
Pare-parehas lang naman sila ng sinasabi.
"Mabait naman siya, yun nga lang maraming kalandian"
"pero seryoso naman yun pag may girlfriend"
ayun, medyo na turn off na ewan pero sa totoo lang
hindi ko pinansin yun. HAHAHAHA!


e akala ko talaga lilipat ako, tapos sa fb lang
kami nag uusap ay hindi pala, PURO LIKE
lang naman siya (sana ako naman diba?)
parang naging desperada ako na ewan, sabi ko
sa tropa niya utusan siya na kunin number ko,
so ginawa niya naman niya, hiningi niya nga number ko
as I expected may result naman ang pagiging
desperada ko! :D HAHAHAHAHAHAH :))



nag ka text kami that day..
medyo mabaha yung convo pero WALANG LANDIAN
na nagaganap, parang ayoko na parang ewan,
alam mo yung feeling na yun? HAHAHAHA


may crush din kasi ako before siya,
hiningi niya number ko, nagkalandian
pero hindi ko magawang patulan may pumipigil
na ewan? gusto ko din yun e, SUPER!!
kinikilig ako pero everytime na magkatext kami
nawawala ng unti-unti, muntik ko nang patulan
pero suddenly a bitch came and THE END!


back to my topic..
naulit ng naulit yun hanggang sa one day,
nanghingi siya ng topic pero hindi ko pinagbigyan
HAHAHAHA! kasi wala ko maisip that time,
pag tinanong ko yung love life parang ang
obvious ko na diba? (hidden agenda LOL)
tapos yun, hindi na kami nag ka text ulit ng
matino.. pag natetext siya may kailangan ako
may kailangan siya pero lagi ako may load
if ever na mag text siya diba? HAHAHAHAHA
(#UMAASA)


febuary 26,2015 (thursday)
church day for my religion
Real talk, wala talaga kong intensyon na
mag papansin sa kaniya pero hindi ko alam
na ganun yung nangyare ng araw na 'to.
May friend ako na which is kababata niya
and kapitbahay as well na ka religion ko
and nag ka yayaan na mag church sa lugar nila,
sa totoo lang ayoko ng ipaalam kay crush na
dun ako mag chuchurch pero ewan ko ba nung
sinabi ng friend ko na i text ko siya na tambay
kami after church e nagawa ko ng walang
pag aalinlangan (hopia kase -_-)
HAHAHAHAHAHAHA!

That day was a BLAST for me,
umuulan ng kakiligan sa aking katawan.
tahimik lang ako that time na magkasama
kaming 3, pag siya nag sasalita nakikinig
lang ako, gustong-gusto ko naririnig siyang
nagsasalita boses pa lang niya parang
sobrang gwapo na. (you know what it feels like)
kinakausap niya ko that time pero natatameme ako
pag nagtatanong siya sakin na iistar struck ako ng
bongga e, EWAN KO BAAAAAA! -_-

nag aya na siya ng umuwi kasi nga late na
masyado may curfew daw kasi sa kanila
pero ako kasi yung tipo ng tao na pag nawalan
ng pag asa hindi na ako mag eexpect ng bongga
ayun.. sabi niya..

Crush : Hatid kita
Ako: (umiling) wag na
Friend : SIGE NA!!! (pagalit)

Pumayag ako, so eto ang scenario kaming
2 nalang kabado singkwenta iniisip ko
paano magiging maingay tong adventure namin
sa pag lalakad, paano pag na bored siya?
TANG*NA napipi ako bigla ng mga oras na yun
pero ayun nga, hindi ko inexpect na magkukwento
siya sa FAMILY niya, sa mga ex niya kaya
yung adventure na yun made sense to me
and made me so happy. :-)


pero ewan ko nalang, binabawi niya yung masasayang
moments na yun napapalitan ng SILENCE pag dating
sa classroom, YES! bihira kami mag usap, mag pansinan
pag nga inaasar kami ng tropa niya wala lang, tahimik siya
nag rereact ako. LOL!


March 4, 2015 (wednesday)
THESIS THE MAKING!

Ako nalang kasi natirang girl dun sa groupo na yun
sabay kami umuwi kasi parehas naman kami ng way.
yung araw na yun, may sense talaga AS IN! kwentuhan
lang sa bus pero may something na napapansin ako
sa kaniya, gustong-gusto kong tinitignan yung mokong
na yun kasi nga hindi niya ko ma tignan yung tipong
pag nag kukwento siya directho yung tingin niya,
hindi makatingin sa kinukwentuhan niya, alam mo yun
tapos malapit na samin (ako kasi unang baba) sabi
niya...


CRUSH: Hatid na kita a
AKO: (na speechless, hindi ko alam kung mag rereact ako)

Awkward silence........................................................

CRUSH: wag ka ng umarte
AKO: Ha?! bakit nag react ba ako
CRUSH: wag ka ng umarte dyan
AKO: NAG REACT NGA BA AKO?
CRUSH: (tumingin)
AKO: (hala poteeek! NAKAKA TUNAAAAAAW!!)
CRUSH: ano?
AKO: (nagmamatigas) nag react ba ko? (nakatingin sa mata niya)
CRUSH: hindi..


ayun, that day hinatid niya ako
ANOTHER precious moments for me NANAMAN!
pero kasi lahat ng bagay e may ending wala naman
kasi talagang forever..


As time goes by,
alam ko wala naman talaga kahit 1% na chance
na maging kami, or rather na ligawan ako in first
place kasi hindi ako naniniwala na ako yung tipo
ng tao na magugustuhan niya, hindi naman ako
maganda atsaka mataba ako tapos may nalaman
pa akong "TINATAMAD" daw siya manligaw
tsaka ramdam ko naman e, hanggang dun nalang
baka tropa lang talaga, WALANG CHANCE
for short..


Pero alam niyo, nag papasalamat ako sa
lalaking 'to, salamat kasi pinakilig niya ako,
salamat sa mga precious moments and
salamat kasi nakalimutan ko yung feelings ko kay ex.
OO, thankyou..


Pero alam mo(crush),
kung halimbawa man na dumating sa point na 
maging tayo isa lang kaya kong ipangako sayo..
GAGAWIN KITANG PINAKA SWERTENG
LALAKI SA MUNDO, yung tipong lahat maiinggit

sayo kasi alam nila kung gaano ka ka-swerteng lalaki 
sa mundo. Ngayon pa nga lang e, mahal na kita
kahit wala kang masyadong effort e. pero kasi 
babae ako e lalaki ka hindi dapat ako yung gumawa ng 
way diba? tsaka hindi naman ako ganun ka desperada
para maging jowa ka. Okay na ko sa kilig kilig masaya
na ko sa mga titig mong malagkit, masaya na ko pag nag
tetext ka, masaya na ko pag nakikita kitang masaya, masaya 
na ko na hanggang dito nalang.... pero diba mas MASAYA
PAG TAYO? LOL joke!!  





this is all I've got.
-LovelySDG

Tuesday, December 16, 2014

Something to remember but Need to FORGET

4months ako nung iniwan mo kong nag-iisa
iniwan mo kong hindi ko pa kaya, iniwan mo kong masaya tayo nung maka-lawa
INIWAN MO KONG NAG-IISA..


Hindi ko ginawa tong blog na 'to para angkinin ka ulit,
Hindi ko din 'to ginawa mag makaawa na bumalik ka
Ginawa ko 'to kasi gusto ko na mag paalam sa'yo.



Paalam sa feelings ko sayo,
Paalam na sa pusong umaasa,
Paalam na sa pagkakaibigan,
Paalaam na sa lahat lahat.


Minsan naiisip ko, ganito ka din kaya?
yung tipong namimiss mo din kaya ako? naiisip mo din kaya ako? yung tipong pag aalis ka
sasabihin mo sa sarili mo na "SANA KASAMA PA KITA SA MGA LAKAD KO?"
yung tipong hindi ka makakain sa sobrang sakit?, yung maiiyak kana lang kasi biglang na
tothrowback lahat ng masasayang memories na kasama ka? yung kahit na may kahit kang
nagpapasaya sayo pero naalala mo na mas masaya kung katext mo ako?


Ganun ka din ba kaya?
Paki ramdam ko hindi... 


August 22,2014 10:45PM 
Naalala ko yung mga text mo sa akin  ng mga araw na 'to, araw na kung saan sinasabi mo na
nag mature kana na gusto ko na kong iwan kasi hindi mo na ko mahal, eto yung araw na nag
desisyon ka ng hindi ko alam kung saan alam kong hindi ako handa, na hindi ko pa kayang
wala ka, na hindi ko matatanggap pero sadyang matigas ang puso mo at matatas ang panini
ndigan mo sa mga bagay na alam mong TAMA. Oo, masakit sa part ko pero minsan kasi
may point na alam ko na hindi ka nasasaktan na mawala ako sa'yo alam kong marami kang
kaibigan na dadamay sayo, mga barkada na dadamay sa'yo pag lasing ka na kahit mawala
ako magiging masaya ka.



Sobrang mahal kita vave, hanggang ngayon pinagpepray ko na sana magising ka 
isang umaga hahanap-hanapin mo ko, pero wala e. Wala na talaga, wala ng babalik
sakin, wala na yung taong magpapasaya at bubuo ng araw ko... WALA NA....


Alam mo ang laki mong kawalan sakin, sobrang laki mong part sa buhay ko na nasabi ko
sa sarili ko, "sana pala nagtino ako para hindi ka nawala at sumuko sakin." pero
kasi ang nangyari ay nangyari na hindi na siguro babawiin pa, kilala kita pag ayaw ayaw na
pero kasi wala naman umasa e, malay mo malay lang natin lahat...



Napaka rami kong namimiss sayo..
Bagay na ikaw at ako lang ang makakagawa, na alam at kabisado natin ang isa't-isa..


Namimiss ko na yung food trip sa hepa lane..
Namimiss ko na din yung gala everywhere yung tipong adventure to the max..
pati yung mga kabaliwan natin nalalabas natin sa isa't-isa..
ikaw yung tipong boyfriend na parang bestfriend ko lang..
nakakamiss yung pagiging ugaling tatay mo..
yung pinapalo mo yung braso ko kasi ang dami kong kagat ng lamok..
yung pagkagat mo sa braso ko na pag nagkapasa dinedeny mong ikaw gumawa nun..
nakakamiss yung kwentuhan to the max with you, yung tipong hindi natatapos
tapos yung twirl all you can na minamaster natin kung paano tayo makakakuha ng marami..
yung pag nagugutom ako sasabihin mo "kain tayo samin."
yung pag yayabang mo sa pag babasketball mo pero hindi naman nakakashoot.
nakakamiss si mingming,yuki at tiny..
nakakamiss yung tawa ng mama ko na sobrang nakaka goodvibes
nakakamiss yung kadaldalan ng mama mo na kahit di ko kilala yung kimukwento niya e OO nalang
ako ng OO.
nakakamiss yung pag may okasyon kayo sa inyo itetext ako ng kapatid mo na pumunta dun
para tumulong..
nakakamiss din yung papa mo na bilang lang sa kamay na kinausap ako.
yung 30% thingy. HAHAHAHA!
sympre namimiss ko yung away bati nating story.
namimiss ko din yung mukha mo pag galit. HAHAHA!
yung amoy ng kili-kili mo pag walang rexona..
yung dandruff mong naglalakihan
yung white heads mo sa ilong na nag uumbukan
yung tutuli mo na hard to get..
namimiss ko ng mag pahid ng kulangot ko sayo..
namimiss ko na yung nimpu mo..
yung oliy mong mukha na ayaw ng pulbo..
namimiss ko yung wallpost mo..
namimiss ko na yung pag hawak ng kamay mo sa kamay ko..
yung selfies na alam kong napipilitan ka kasi ayaw mo..
namimiss ko na yung TAN SKIN MO (medyo pumuti kana kasi)
namimiss ko na yung braso mong hinahawakan ko pag mag kukwento ako..
namimiss ko na ilagay sa mukha mo yung kamay ko kasi kinukumpara ko yung kulay ng kamay ko
sa mukha mo.
namimiss ko na yung labi mo..
namimiss ko na yung yakad mo..
namimiss ko na yung kiss mo..
namimiss ko din yung pag punas mo sa pawis ko..
nakakamiss yung pag aalala mo..MINSAN!
namimiss na kita..





MISS NA MISS NA TALAGA KITA VAVE :'( 




kaso hanggang dito nalang, hanggang dun nalang talaga..
ni wala na nga akong balita sayo e, hindi ko din alam kung may naging girlfriend kana ba?
kung may nililigawan kana ba? yung mga ganun.




Alam mo ba, pinanunod ko yung One more chance
ikaw dun si Bashia at ako si Popoy..
Nasa iisang barkada tayo, nasa iisang binagbabalingan..
pero kasi alam kong hindi ka open sa kanila, o sa kahit kanino man.
inisip ko hindi ka ganun nahirapan katulad ko, alam mo bang hindi ako nakakain ng 2weeks
kakaisip sayo? iniisip ko kung may pag asa paba? kung maaayos ko pa kaya? yung ganun..



Kaso lahat yun sinagot ng sariling bibig mo, pero mas naniwala ako sa mga kinilos at gawa mo..
nasasaktan ako pag nakikita kita, nakikita kong may katext kang iba.. YUN LANG, yun lang
ang nakikita ko e. Minsan nga e, tinatanong ko sarili ko kung tama ba 'tong ginawa ko, tama
bang iwasan ka? tama bang hindi ka pansinin? tama ba talaga?


pero sa tingin ko, tama din dun ko nalaman kung anong halaga ko sa mundo na dapat sana
hindi ko ginawa yung mga bagay na ikasisira ng pangalan ko, na dapat sana nag isip muna
ako bago pumasok sa relasyong akala ko mas matibay pa ang dikit sa bulldog nalaman ko
kung ano ba talaga ako sayo. pero kasi ginusto mo din para sa iyong kalayaan, alam kong
mali na mangielam sa buhay mo na walang karapatan, pero sana inisip mo yan nung sinabi mo
sakin na "Pag binalikan mo yan, kalimutan mo ng kaibigan mo ako." ngayon, sa totoo
lang? parang naiinis ako na hindi ko man lang napatunayan yung sarili ko sayo, wala ka na
kasing interes sa mga bagay na may kinalaman ako..


Napatunayan ko din na, hindi mo naman talaga ako ganung minahal ng lubos..
Napatunayan ko din na ikaw yung taong puro salita lang..
Napatunayan ko din na hindi ka kaibigan..
Napatunayan ko din na ikaw yung taong nang iiwan kung kailan mo gusto..
Napatunayan ko din na dapat hindi sinosyota ang best friend..


Sana nga e, best friend nalang kita, sana walang level up na nangyare kung siguro
nag hintay pa ako ng konte baka ako na siguro yung pinaka masayang babae sa mundo.
kaso minahal kita e, minahal ko yung best friend ko.. best friend ko na lagi kong kasama
sa kalokohan, sa ka-emohan, sa ka-anezan e wala e, hindi na siguro kayang ibalik alam mo
naman siguro kung bakit..


Sabi ko sa sarili ko. Ikaw na, ikaw na talaga..
ikaw yung tipo kong makasama habang buhay, kahit mag sacrifice pa ako sa religion ko makasama ka lang
kaso sabi mo ayaw mo ng ganun, yung hindi ka sigurado kasi ako yung babaeng ginegirlfriend lang. kasi
may mga bagay na sayo ko lang ginawa at ginagawa.


yung kumportable akong kasama ka..
yung tipong kahit amoy kili-kili ako alam kong mahal mo pa din ako..
yung kahit mangulangot ako hindi ka matuturn off..
yung kahit sa pinaka mabahong utot ko alam kong handa kang singhutin yun..
ikaw lang yung lalaking binigyan ko ng cake..
ikaw lang yung inalagaan ko nung nagkasakit..
ikaw lang yung lalakeng binigyan ko ng damit..
ikaw lang yung lalakeng pinunasan ko ang pawis..
ikaw lang yung lalakeng sinasalabay ko..
ikaw lang yung sinisipa at binabato ko..
ikaw lang yung may ilong na malaki. HAHAH! joke



pero ayun, hanggang dito nalang talaga ako, sa ngayon kasi kahit chat o kahit man lang
text hindi na tayo naguusap, siguro nga okay kana, siguro naghihintay kana sa babaeng
pakakasalan mo balang araw, ang lungkot lang hindi ako yun..



Paalam sa masasayang alala..
Wala na kong kasama as galaan..
wala ng mang aasar sakin ng pango..
wala ng tatay boyfriend ko..
wala ng bhebhe na kadaldalan ko..
wala ng bemboy na korni ang jokes..
wala ng mader na 30%
wala ng yuki na hihiga sa hita ko..
wala ng mingming na papakinin ko..
wala ng pamilya na sobrang cool..
wala ng magbbibigay ng apple pie at yema sakin..
wala na kong ka slurpee buddy..
wala ng mag seshare ng nangyayari sa kaniya..
wala na kong brasong mahahawakan pag gusto kong magkwento..
wala na kong listener..
wala na kong bibigyan ng love letter..
wala na kong kasama mag selfie..
wala na kong kasama sa mga ka food tripan ko..
wala na kong machong boyfriend..
wala na kong basktelball player wanna be boyfriend..
wala na din akong pag sesharan ng problema ko..
wala na din akong kasama mag basketball sa bowling..
wala na kong kasama mag ipon ng tickets..
wala na kong kasama magsayang ng oras..
wala ng mag lalilke na picture ko at mag cocomment ng "bagay vave ah"
wala na kong ka duet sa kantang I'll always love you..
wala ng mag bibigay sakin ng pink rose..
wala ng mag eeffort sakin mag pasaya..
wala ng pupunta sa bahay na bet nilang lahat..
wala ng kakanta sakin ng Beautiful in my eyes..
wala kong kasama bumili ng B7..
wala na kong ililibreng matakaw..
wala na din akong aasarin araw araw..
wala na kong babadtripin na singkit..
wala na kong yayakaping mejo macho HAHAH!..
wala na kong kasama sa inuman..
wala na kong aasaring malaki ang ilong..
wala na kong kaparehong bag..
wala na kong hahalikan..
wala na kong boyfriend..
wala na kong vave..
wala ng THREENITY..
wala na...



Alam ko namang hindi ako naging mabuti at totoong girlfriend sayo, natakot lang ako na baka isang araw
iwanan mo ako kaya yun.. e malay ko naman na iiwan mo talaga ko! HAHAHAHA Sorry, walang sawa akong magsosorry sayo, araw araw kong pinagsisihan yung mga bagay na ginawa ko sayo pero sana
naisip mo na kahit minsan hindi ako tumingin ng ibang lalake, na sana narealize mo na ikaw lang yung pinaka gwapo sa mata ko (kahit hanggang ngayon. HAHAHAHA!) na handa ako sa mga pagbabago sa buhay ko,
handa na kong harapin ang IT ng walang tulong ng pagiging COMPUTER SPEACILIST MO..





Sana maging masaya ka, sana makita ko pa ulit yung mga ngiting wagas mo, yung mga mata mo na
nagsasabing ang saya saya mo, alam kong hindi ka okay.. pero hindi ko matanong kung ano ba yung
dahilan mo, iwasan mong uminom masyado baka maging snorlax ka din. :) pumapayat kana din, alam kong puyat ka sa mga bagay na nakasanayan mo na, kumain ng kumain ha? wag papabayaan ang sarili. Sana may pagkakataon pa kong makita silang lahat, makilala silang lahat, dadating din tayo jan pag okay ng lahat.. kapag okay na ako..



yung natitira kong 4 buwan sa access sana maintindihan mo kung bakit ayaw na kitang pansinin para din
sakin 'to, makakaya ko din na hindi ka isipin sa loob ng isang araw, weak talaga ako e, pasensya kana..
mag iingat ka palagi. :) mamimiss kita, vaveeeee. mahal na mahal kita. <3 pero hanggang dito nalang.



-LovelySDG



Friday, September 12, 2014

Sayang

it takes time para marealize mo kung ano-ano yung bagay na nawala na sayo,
hindi man ngayon pero maybe in future.


Minsan ba nanghinayang ka sa isang matagal na relationship?
SAYANG yung pinagsamahan
SAYANG yung memories
SAYANG yung bonding
SAYANG lahat...


10months ago when it was full of love, laughter and sweetness everything was so perfect ika nga,
almost perfect pa nga daw kami pero ewan ko? kung ano yung masamang hangin na pumasok sa
kaniya at bigla nalang siya nagising na isang araw nakalimutan na niya lahat ng love niya para sakin


"Hindi na kita MAHAL"
"Baka kasi hindi ako yung taong para sayo"


Sabi nila linyahan ng mga may 3rd party, pero at in the end hindi ako naniniwala kahit punung-puno
na ako ng ebidensya, I trust him like I trust God ayokong maniwala pero siguro kailangan? Lahat na
ng kaibigan ko tinanung ko pero isa lang sagot nila... "Move on na 'te, papaasahin ka lang niyan"
I blog this because I'm okay, wala na kong nararamdamang hurt tinanggap ko na sa sarili ko na
WALA NA, hindi na siya babalik...


Ano bang dahilan?
hindi ko din alam, that time kasi alam ko ng malamig na kaya nagtanong ako sobra kong nasaktan
sa sagot niya, sagot niya ayaw kong mabasa, ayokong marinig pero siguro KASALANAN ko
talaga lahat, lahat ng hugot nasakin. Willing na ko magbago e, pero nasa simula pa lang ako pero
sumuko na maraming nanghinayang pero lahat yung tinatawanan ko nalang, lahat yung dinadeadma
ko nalang minsan nga napapatanong pa ako e, "Nanghinayang din kaya yun?" pero minsan ako
din yung sumasagot "Kung nanghinayang yun, bumalik na yun".


I cried everyday, pero hindi ko pinapakita sa kaniya, sobrang sakit parang ewan na hindi ko
maintindihan pero pag kaharap ko siya naka ngiti lang ako na parang walang nangyare madalas
ang ginagawa ko sa bahay muna ko iiyak bago pumasok para pag dating sa school UBOS NA!
HAHAHAHA tapos sa school tawa ulit pag uwi iyak ulit para bago matulog UBOS NA DIN! HAHAHA


hindi ko masasabing masaya ako ngayon, SAKTO lang hindi malungkot hindi masaya sakto lang.
pag kasama ko siya parang ang layo layo niya, hindi ko na siya maabot nakakausap at nakakasama
ko siya pero malayong-malayo na siya sakin, hindi ko alam pero siguro mas masaya kung hindi
ko siya nakakasama parang nalulungkot ako lalo pag nakakasama ko siya lalo na't napagkakamalang
BF ko..


Kanina, nakaupo kami sa tabi ng dingding may manong na naka tingin iniwan niya ko dun at uuwi na
daw siya tinanong ako ni manong kung boyfriend ko ba yun bigla kong nalungkot at sinabi kong hindi..
tumingin ako sa kaniya kahit malayo siya nasabi ko nalang sa sarili ko na... "Tama na lovely, tapos na.."
hindi na ako naiyak, OKAY na ko siguro.


Ang tagal ko din nagpanggap..
sabi ko sa sarili ko hindi ko na siya papansinin pero lagi kong kinakain yung sinasabi ko hindi ko siya
matiis na to the point na nagagalit na lahat ng nakapaligid sakin, naiinis ako pag nakikita ko siyang
malungkot na bakit kailangan pang umabot sa point na nag iisa siya na dapat naman talaga hindi. Pero
ginusto niya kasi yan wala na kong magagawa kundi GANITO NALANG....


one time nag park kami ng barkada, may swing dun tuwang tuwa ako sa swing na yun na to point
na naabot ko yung maximum yung swing na yun nag decide na ko bumaba na patalon pero sa kasamaang
palad, bumaldog ako dahil yung backpack ko ay sumabit sa swing kaya ng dulot sakin ito ng perwisyo
(Lessong learned: WAG KA MAG BAG PAG NASA SWING KA!) lahat ng tropa tumawa, nag aasume
ako nun na tutulungan man lang niya tumayo pero hindi e, nagalit pa siya at kumain na lamang..


two time, araneta with his siblings, ako yung tipo ng tao hindi na OOP or should I say OUT OF PLACE
pero that time nagmukha akong tanga sa katabi ko ng text ng text at naninigaw pag kinakausap mo...



WALA NA..
sabi nga sa kanta. "Minsan di mo na mapigil mapansin na talagang walang naiiwan ng PAGMAMAHAL"




So from now on, goodbye feelings for you hanggang dito nalang siguro ang love story na 'to na sa
una amazed na amazed ako ayoko pa sanang tapusin ang kwento na 'to pero siya na din kasi yung
tumapos e. :)









Now I can say this.....
I LOVE YOU, GOODBYE. :)

Friday, December 6, 2013

asdfghjkl

Wrong Love in Wrong time...
Right Love in right time...


hindi ko alam kung alin yung amin jan, sabi kasi nila ang couple daw na maraming problema
it means hindi talaga kayo para sa isa't-isa, sabi naman ng iba easy things went wrong and
right things gets hard. Parang NO CHOICE diba? pero it depends naman kung mag hohold on kayo
parehas, it depends if you'll fight your love for each other. 2nd month is the hardest part
that I've ever been in my life.. hindi ko alam feeling ko may mali saming dalawa, hindi ko
alam kung KAMI ba yung mali, or SIYA o hindi kaya AKO?


I never stop loving him..
hindi ko alam, basta ang sarap niyang mahalin kahit kulang-kulang siya, he's not a perfect
guy to love but I'm sure walang kong regrets na minahal ko siya. Pero minsan parang gusto
ko siyang iwan, hindi naman kasi nag aaway ng matagal, wala namang major major na pinag-aaw
ayan pero syempre nag aaway pa din. HAHA! madalas ako yung nang-aaway you know, girls mood
swing is the most annoying ever. Aminado naman ako, wala akong tinatangge ako talaga gumawa
ng way para mag away kami, wala maiba lang, walang mapag usapan e ang boring ng relationship
pag walang away noh! :)


His ex's
hindi ko sila kilala lahat, siguro yung mga kilala ko sa mga ex niya, kundi maganda minahal
niya yun siguro ng sobra, siya lagi ang iniiwan tinanong ko lahat ng dahilan kung bakit siya
iniwan yung iba ayaw ng parents sa kaniya, sa religion, lumipat sa ibang lugar and worst pin
ag palit siya. Hindi ako ilag sa mga ex niya, ako din naman kasi may mga ex, mas marami nga
lang yung sa kaniya. Ang pinaka favorite kong kinuwento niya sakin is si 3 years... wala,
#3 kasi loljk! naamazed ako sa story nila, the girl is an athlete, dumating pa sa point na
siya daw nagbibigay ng baon nung girl pag walang pang baon yung babae, tapos ayun nung nag
work daw yung girl may nagustuhang iba ang worst parang mas gusto pa ng parents niya yung
boy kesa sa kaniya. Nakakalungkot yung ganung story, yung pinagpapalit ibig sabihin nun
hindi niya talaga mahal, kasi pinagpalit siya e. And yung girl may asawa and baby na the
funny thing is, kamukha yung baby. Siguro pinaglihian yung mukha niya. HAHAHAHA :))


KULANG..
may mga bagay akong hinahanap sa kaniya na ginawa ng ex ko sakin, lahat kasi ng ex ko sweet
sakin pag dating sa kaniya, medyo medyo lang nagiging sweet lang naman siya pag galit ako
sa kaniya e or may nagagawang siyang mali, kaya tuloy ilag akong maging sweet sa kaniya,
sweet talaga ako alam nilang lahat yan nagtataka lang ako kung bakit pag dating sa kaniya
HINDI. Mahal ko naman siya pero natatakot lang ako maging sweet sa kaniya, baka kasi hindi
niya ma appreciate e, minsan hindi ko talaga maiwasang i-compare siya sa iba marami talaga
siyang kulang, kung anoman yun samin nalang siguro yun, minsan dumating sa point na naii-
yak ako kasi feeling ko hindi niya ako mahal, na pampalipas oras lang ako. Iba kasing effort
yung nakita ko sa kaniya noon e, tapos pag dating sakin iba na din. sabi ng tropa ko baka
yun talaga siya, nanliligaw pa lang naman siya kasi nun symepre ang panliligaw sa UNA lang
ang problema wala kong matandaan na kinilig ako nung nanliligaw siya, puro bad memories yung
naalala ko pag sinabi sakin "PAANO KA NIYA NILIGAWAN?" Paano? basta malungkot....


MASAYA..
Masaya ako sa kaniya, baliw yun e lahat ng trip ko trip niya din, parang tropa ko nga lang
e. masarap pala sa feeling yung saktong pagmamahal lang, mahal ko siya mahal ko sarili ko
mahal ko lahat ng tao sa paligid ko, everytime na magkasama kami laughtrip, puro kalokohan,
puro side comments, puro harutan yung tipong walang kapaguran. minsan nga naglalakad kami
naghaharutan kami binato ba naman ako ng putik!!! sa inis ko hinabol ko siya, parang naka
limutan kong nasa kalsada kami yung tipong parang kami lang yung tao sa kalsada, ang SAYA
sobrang saya, mejo napagod lang ako nun kasi nagpapahabol talaga siya! epal lang. HAHAHA!



DISTRUCTIONS..
Lagi kaming may problema, wala naman samin yung problema e yung mga taong echosera lang sa
tabi-tabi na ayaw talaga kaming nakikitang masaya, hindi ko alam kung naiinggit or sadyang
trip lang nila na paghiwalayin kami, minsan parang nagdadalawang isip na ako, hindi ko kasi
siya nakikitaan ng IPAGLALABAN KITA! nanliligaw pa lang kasi siya sinusuko na niya ako kaya
parang mas gusto ko piliin yung san ako MAS SASAYA, pero syempre iniisip ko baka pag subok
lang 'to or baka eto na yung way para malaman ko kung totoo ba talaga yung nararamdaman niya
para sakin. One time, desedido na ko ayoko na, suko na ko pero siya parang ayaw niya pang
tapusin kung anong meron kami ngayon, na  touch ako tapos bigla kong naalala MAHAL KO PALA
SIYA.



This blog is all about our 2nd month, next? 3rd month? kung kami pa, masyadong komplikado
ang lahat lalo na't nagsusungit na siya sakin ayaw na niyang kinakagat ko siya, kinukurot
nagrereklamo na siya sa mga pasang natatanggap niya sakin. Tell me? masama bang mang gigil?
ang laki kasi ng ilong mo e. :(( HAHAHA! Well, I wish thing will be better, better for us
to be happy again. Nakakamiss kasi yung tawanan namin noon, hindi na kasi siya kasing lakas
ng tawa namin ngayon, madalas kasi nakasimangot na kami parehas, madalas nagkakasagutan.
Na aalibadbaran ako sa ganun, hindi kasi ako sanay na ganun kami....




TROPA LANG NAMAN TALAGA KASI KAMI DATI.........
   

Sunday, November 3, 2013

First Month

Celebrating your FIRST MONTHSARY is the sweetest ever, date over here, gift over there something that usually they always do. For me? okay lang naman sakin yung NO DATE OVER HERE, NO GIFT OVER THERE basta't kasama kita I'm happy with it.

SIGH*
WE SURVIVE! 
Celebrating our 1st month is simplest but happiest ever, actually masaya talaga ko pag nandito siya sa bahay namin pero hindi ko alam bakit mas masaya ngayon, siguro kasi may okasyon? or something? HAHAHA wala kong gift e, ni letter wala. but it doesn't mean na wala akong ibibigay or something that you can make you happy even though you'll not appreciate this blog, Wala namang something special na nangyare today e. Alam kong nagtatampo kasi hindi kita inasikaso nung nabasa ka ng ulan, basang basa ka pala akala ko echos lang. :) pero binigyan naman kita ng tshirt pero ayun nga sabi mo hindi ako marunong mag alaga, sorry kakagising ko lang kasi nun kaya medyo lutang pa isip ko. :)

Medyo matagal ka sa bahay today, tapos ayun weird things happened. Hindi ko alam kung bakit ganun yung inaasta ng mama ko. pero tingin ko ang laki ng tiwala niya sayo, overnight without you is not allowed. Hindi ko talaga ugali yung maki tulog sa bahay ng iba, except kung girl ka din, pumapayag sila doon pero yung overnight with my classmate? mukhang alanganin ako dun. Tapos yung pag papapasok ng lalaki sa kwarto namin ay isa pang bawal. pero ewan ko? pag dating sayo OKAY LANG, dati bawal walang tao pag kasama ko bf ko pero pag dating satin OKAY LANG. Na aamazed ako. :))

ayun, back to our topic.
Wala na kong masabi sayo, ayoko naman gumamit ng mga salitang "for the rest of my life sayo" or something that will not sure to happen diba? alam mo naman siguro how much I love you kahit na super moody ko pagdating sayo, alam mo naman siguro din yung mga ayaw ko right? HAHAHA Well syempre may masasabi pa din naman ako na sa tingin ko hindi mo pa alam?? HAHAHA :D

I hate you, hate you kase lagi mo kong tinutulugan pero naiintindihan ko naman kung bakit e, alam ko naman pagod ka at puyat ka lagi, hate you for being quiet sometimes, alam mo naman kung gaano ako kadaldal diba? sana kung hindi ka mag rereact sabihin mo lang para iwas nganga. :)) Hate you kasi minsan kahit na alam kong may dinadamdam ka hindi mo sinasabi, e alam ko na karakas mo e, lumiit lang mata mo ALAM KO NA, kaya please naman? pag may problema ka sabhin mo sakin, parang ibang tao naman ako sayo diba? :))


I know hugs and kisses are enough for you to make you happy, but sometimes it's not enough, ayoko man mag promise ng hindi na kita aawayin but I hope you'll understand my shit moods all the time, kakaiba talaga ako pag may topak ako, and ngayon pa lang nag sosorry na ko sa lahat ng nagawa at gagawin ko pa lang sayo. ayoko din naman sabihin na nandito ko palagi pag kailangan mo ko, medyo malayo ang maligaya sa litex, hindi naman kasi ako superhero na kayang sabihin ang just call my name and I'll be there diba? basta alam mo na pag may pera ako, nandyan ako sa lugar niyo :)) I'll do my best just to make things better masakit pa e, everytime na naaalala ko yun paulit-ulit akong nagagalit sayo, hindi pa kasi nawawala e, hindi ko na alam yung magiging reaction ko pag naulit pa yung bagay na yun. madali akong magtiwala pero madali din naman itong mawala, I trust you, I trust your words sana wag mo nalang sirain pa.. may bawas na e wag mo ng dagdagan pa. Maloko akong tao pero seryoso naman ako. :)


I love you always, and it will never end hanggat wala kang ginagawang kalokohan, hanggat tayo pa, hanggat kaya ko pang pang hawakan ang lahat. shet naiiyak ako, wala everytime kasi na tinititigan kita parang nakakatakot pag nawala kana, alam kong ayaw mong maglabas ng salitang "DI KITA IIWANAN" hindi naman kasi natin alam kung tayo talaga e diba? natatakot talaga ko swear, lalo na't napapanaginipan ko yun. ALWAYS. Tang ina ang dramaaaa. lols



HAPPY 1st MONTH VAVE, thanks for everything kahit wala pa kong nakukuhang everything. LOLS! thanks for making me feel that I'm so special siopao for you, thanks sa panlalait mo sa baba ko, sa tiyan ko, sa kili kili ko... etc basta mas mahal ko talaga yung ilong mong malaki. HAHAHAHAHAHA! I love you :* 

Saturday, October 26, 2013

Vave 2.0

Paulit-ulit ko nalang sinasabi sa lahat ng nagtatanong sakin..
"hindi ko alam, basta nangyare nalang.."

Not everybody can't understand us. Bashers are everywhere, they keep questioning me..
"is it easy to move on your past boyfriend?" I can say maybe? or should I say YES!
I don't know, I think I'm stronger enough to hold that kind of situation and I think I'm matured
enough. I don't like judge mental people, they don't know what I feel especially when it comes
to my heart. I can do whatever I want, it's a free country right? you can't stop me to love.


YOU CAN'T STOP ME TO LOVE...
akala namin end of the world na, means we need to end our relationship. ang awkward kasi nung
feeling na parang ng ayaw ng tropa na maging kami, at first nagtaka ako why we need to stop this?
everybody says "alam naman naming nasa mabubuting kamay kayo ng isa't-isa", wala naman
kaming ginagawang masama na alam naman namin na ayaw nilang gawin namin and besides we don't
want to do that anyway. nakakatakot na i-hinto yung relationship na binubuo namin kasi may something
na kong nararamdaman, na sabi ko sa sarili ko magagalit ako ng sobra sa kaniya kung ihihinto niya 'to.

me: ano? itutuloy paba natin 'to?
siya: magagalit kaba kung friends nalang tayo?
me: okay lang, basta hindi na tayo tulad ng DATI....

DATI...
dati iniignore lang kita, dati tropa lang kita, dati bestfriend lang kita..
best friend turn to lovers, it's very common actually but I said to myself I don't want that to happened to
me, I love my bestfriends ayoko silang mawala sakin, gusto sakin lang sila FOREVER, ayokong maging
dahilan na mawawala sila sakin kasi minahal ko sila. kasi brineak ko sila.. YAH! I think everybody can to that, friendsship after their break-ups but expect that hindi na kayo katulad ng dati..

Super close kami, as in SUPER.. I read all of our conversation and I laughed.. Grabe pala yung friendship na nabuo namin before, minumura ko siya like tang ina mo, pakyu etc. before hindi ako nahihiya mag pa dawn zuleta sa kaniya kasi hindi ako nahihiya or naiilang sa kaniya, dati nga dinadawn zuleta niya ako nahawakan niya yung pwet and we laughing laughing and laughing out loud, dati din lagi kaming magkasama, magkasama sa kalokohan, sa drama moments and sa usapang "S", dati siya ang taga payo ko, taga advice kung ano or dapat kong gawin, hindi naman kasi siya yung love ko noon, hindi rin siya yung lalaking gusto ko noon kaya lahat ng saloobin ko alam niya, dumating sa point na pareho kami ng situation, parehas kaming bigo ng mga panahong iyon. Yes! bigo din siya noon, alam kong ang kwento at buod ng love story niya that time, alam ko ang takbo ng relationship nila nun, ooops! hindi pala naging sila, yung takbo ng storyang panliligaw or panunuyo dun sa girl, actually kasama sa tropa yung girl na yun, I know he sacrifice a lot just to see the girl happy. I remembered the day na gusto ng girl ng ice cream and he bought one, One thing I remembred.. He said to me na HE LOVE THE GIRL ALREADY and I want to shout it out para sila na, para happy na siya.

Hindi ko alam kung anung nararamdaman ng girl for her, close kami but I don't think she can say all her secrets to me, tahimik lang siya pag dating sa usapang love, minsan pa nga pag nagtatanung kami kung may pagasa ba si boy sa kaniya sasagutin niya lang kami ng cute smile niya, gusto ko si boy for her sabi ko ng mabait siya, ma effort, gagawin niya lahat para mapasaya niya lang yung taong mahal niya, pero tingin namin noon... wala siyang pag asa, no one will deny that, dumating pa nga sa point na nag kaaminan sinabi ko sa lahat ng mahal niya si girl, and I asked the girl kung she loves him too, and she answered SAKTO LANG... sakto? can't get it, pero nakakaramdam ako ng rejection form her, I can't feel that she loves that boy too, syempre naawa ako sa friend ko kasi mahal niya e, tapos parang hindi siya mahal nung girl.. naiinis ako sa boy pag sinasabi niyang "Wala naman akong pag asa jan e" "tatawanan lang ako niyan e" super negative niya na dumating sa point na sinabi niya sakin "Ayoko na" syempre nalungkot ako at nasabi ko sa tropa nun "kung ako kay girl, i-gagrab ko siya, perfect boyfriend kaya siya" kita ko kasi yung effort niya e tapos ayun, parang nauwi lang sa wala...


that time, may mahal din ako.. crush lang naman nun una, wala cute e tapos mabait pa parang hindi mahirap pakisamahan, akala ko ng una suplado yung pala mabait at maloko katulad, ayun text text, tapos tropa tropa tapos nakaramdam ako love, nag tweet ako, sabi ko "I'm Inlove :">" and he replied to my tweet "kanino ka inlove?" I can't say it's you, ang awkward hindi ko naman talaga inaamin sa crush ko na crush ko siya e, wala hinahayaan ko lang imposible naman na magkagusto sila sakin. HAHA! tapos nag GM ako kung aaminin ko, everybody says "Aminin mo na, wala naman mawawala e" at dahil sa dala ng damdamin, ayun inamin ko.. hindi siya nailang sakin naging close pa kami lalo, dumating sa point na napapakilig niya ko sa mga texts niya sakin, aand dumating sa point na sabi niya iniisip niya kung liligawan niya ako, grabe ang kilig ko noon hindi mapigilan, at alam mo kung sinong tao ang shinesharean ko nun? syempre si BOY, sabi ko nga alam niya lahat sakin. HAHA! lahat ng tropa sinasabi sakin "May chance bhe, go lang hinatayin mo lang" pero nung siya tinanung ko ang sabi niya "Itigil mo na yan, pinapaasa ka lang niyan" medyo na badtrip ako, parang hadlang pa siya sa kaligayahan ko, hinayaan ko ang sinabi niya at pinanghawakan ang majoriting sinabi ng aking tropa, as the time goes by.. nakakaramdam ako ng rejection.. feeling ko hindi mangyayare yung sinabi niya sakin na liligawan niya ako, nung time na yun lalo kaming naging close boy, siya din kasi nun nawawalan na ng pag asa lagi kaming nag seshare sa isa't-isa about sa mga nararamdaman namin nun sa mga minamahal namin before..

Pareho kaming sumuko at iniwan ang mga mahal namin noon, parang parehas at sabay kami nag momove on that time, super close na kami noon lagi kaming mag kasama syempre sa mata ng iba may something na pero ang alam namin WALANG SOMETHING saming dalawa, dumating sa point na sa sobrang close namin nanghihiram ako ng shorts sa kaniya, nag jogging kasi kami that time tapos syempre malagkit katawan ko I need to take a bath, nag presinta siya na maligo sa kanila at manghihiram nalang ako ng shorts sa kaniya, pag uwi ko ng bahay, lahat nag taka hindi naman kasing pang girl na shorts yon, pang boy yun. sabi ko sa kanila Sa boyfriend ko ayun, after that lagi ko siya tinatawag na boyfriend, niloloko ko pa siya dati ng.. TAYO NALANG KASI...

Paano kung kayo talaga?
tanung ng isang tropa saming dalawa, that time kasi parang may something na nga pero para samin, WALA TALAGA haha! sabi ko "hindi na namin mapipigilan yun" I don't take it seriously alam ko ang level ng girl na hinahanap niya, alam kong hindi ako pasado sa standards niya, seriously hindi naman ako maganda, mataba ako. I'm a big fat girl who loves to eat. May session that time ang tropa, syempre imposibleng hindi ka malasing at maging madaldal right? na curious ako sa tinanong ng  tropa samin, I ask him about it.. Paano kung tayo nga talaga? and you know what he said? He smiled at me and you feel that he doesn't care at all, wala kong nararamdaman sa kaniya that time, he's my best friend and I love being his best friend, hinamon ko pa siya ng pustahan pero walang pusta and I can't imagine that he take it seriously... Bangag na kaming lahat, pero bibili pa ng drinks and he said he needs to go home na kasi hinahanap na siya, ayaw ko siya pauuwiin that time, kasi nga wala kong kasama pauwi ma OOP ako kasi yung taong mahal ko nun ay may kasamang iba.. Nawala ako saglit nag CR ako, napansin kong wala na siya sabi ng tropa sakin umuwi na siya, for me it's okay, it's not a big deal for me hindi ako nakaramdam ng galit that time e, tapos ng uminom, nagpapawala nalang kami ng toma that time, tumawag siya sa tropa ko kasi that time lowbat na ang cellphone he said sorry to me ng paulit-ulit akala niya magagalit ako, akala niya hindi okay sakin, sabi niya sakin uminom daw ako ng kape pang tanggal toma, and I said

me : e wala ka naman dito e, sinung bibili ng kape sakin?
siya: mag pabili kana lang kay mahal mo
me : e wala na siyang pera e?

nagulat din ako ng mga araw na yun, kakaiba ang kinikilos ng mahal ko that time, he bought a coffee for me but then kausap ko pa din si boy that time...

siya : wala kana bang sasabihin?
me: I LOVE YOU (serious)
siya: sabihin mo sakin yan bukas, pag hindi kana lasing..

Kaya kong panindigan ang sinasabi ko pag lasing ako, alam ko naman talaga yung sinasabi ko pag lasing ako hilo lang talaga ako, tsaka ang lasing hindi nagsisinungaling right? kaya dapat siyang maniwala sakin, kinabukasan, tahimik kaming parehas pero magkasama pa din kami siguro iniisip niya lasing lang ako kaya nasabi ko yung bagay na yun, pero yung totoo naaalala ko yun at alam kong naaalala niya din yun, may hangover pa that day kaya hindi ako nagsasalita, gusto ko siya mag open ng bagay na yun at sa kasamaang palad.. hindi niya inopen yun, at para malaman niyang seryoso ako ako na nag open, alam kung anung nangyare? He smiled again at inakabayan nalang ako..


Wala kong feelings na nararamdaman for him, hindi ko din alam kung bakit ako nag I love you ng seryoso sa kaniya, nag a I LOVE YOU ako sa kaniya dati pag nakakagawa siya ng mabuti sakin. HAHA! nakalimutan ko na din yung kwento kung bakit"siya pumunta ng mag isa dito sa bahay namin, that day hindi pa siya sa nanliligaw sakin, pumanta siya ng bahay samin as visitor as a best friend, nakakatawa lang ng araw na yun kasi ininterview siya ng lola ko, yung tipong nanliligaw siya pero hindi naman, at dahil kati-katera talaga ako ayun tinanung ko siya.. NANLILIGAW KABA? and then again and again, He smiled at me. Nainis ako nakaramdam ako ng rejection medyo may something na samin nun pero hindi ganung ka seryoso, yung tamang something lang, nag prepare ako that time kasi may pupuntahan ako tumabi ako sa kaniya ang he hold my chin and said OO, alam ko talaga yun, nag dadrama lang ako ng nakalimutan ko kung para saan yung sagot na oo na yun.Gusto niyang bawiin yung sinabi niyang yun, pero hindi e. HAHA hinatid ko na siya sa terminal, para umuwi at sinabi niya kung para san yung oo na yun. ayun dun na nag start, alam ko september 15 ata yun?? hahaha..


ayun as the time goes by, wala talaga kong nararamdaman, walang kilig factor, wala nga din effort e parang balewala lang yung sinasabi niyang nanliligaw siya, nararamdaman ko mahal niya pa si girl sa mga kinikilos niya that time, parang mahal ko na siya nun e as in okay malapit na sa time na.. OO Tayo na tapos biglang nagkaproblema, ayaw daw sakin ng kuya niya kasi mataba ako, hindi ko alam yung reason nung una, lately ko nalang nalaman yung reason pero parang ambabaw naman para iwanan niya ko at isacrifice niya ako diba? he keep saying tha"MAHAL KIYA KAYA GINAGAWA KO TO" "Sana tama tong desisyon ko" napatunayan ko sa sarili ko nun na, hindi siya seryoso na parang wala lang, hindi niya ko mahal di ako kayang ipaglaban e, that time ang awkward ng magpakita pa sa kaniya kahit dapat siya yung ma awkward diba? may quiz daw kase etc, no choice.. KAILANGAN KONG PUMASOK! hindi ko siya pinansin at lahat ng tropa nagtaka sa nangyare samin, sabi ng mga tropa ko balisa daw siya, tulala pero that time, wala akong pake.. ayoko siyang tignan ng mga panahon na yun, madali kasi akong magpatawad e, sobrang bait ko kasi. HAHAHA nag matigas ako hangga't kaya ko, tumawa ako hangga't kaya ko, pero nung narinig ko siyang tumatawa, nadudurog ang puso ko napaisip ako nun, "nakukuha mo pang tumawa niyan pagkatapos ng ginawa mo sakin?" naiiyak ako that time, tinanung ko sa friend ko kung nandun siya as room, ayoko kasing makita niya kong umiiyak, sabi ng friend ko wala daw. umiyak ako as loud as I can, ang sakit sa dibdib, I can't breathe that time, pumunta kami ng burol ng papa ng classmate ko, kaya ko naman na makasama siya, pero parang di ko kaya ng nakikita ko siya pero hindi kami nagpapasinan, I feel alone that time, lahat ng tropa ko nasa kaniya, walang natira sakin kundi ibang tropa na.. I smoked that time, just to release that pain that I feel, hindi niya alam yun.. kasi nagatatago ako. Pag dating dun sa place balisa siya, pero nung naglalaro sila ng cards, nainggit ako.. lahat sila masaya tapos ako, nanunuod lang. Gusto ko ng umuwi ng panahon na yun, syempre masaya siya, nakakatawa siya. Tang ina, hindi ako kawalan!


HINDI NAMAN AKO KAWALAN E!
nag GM ako, nasasaktan ako ng bongga. hindi ko inaasahan na magrereply siya, "KAWALAN KA SAKIN, KUNG ALAM MO LANG" nasabihan ko na siya ng tanga at kung ano-ano, tinanong ko pa siya nung araw na yun kung masaya ba siya or whatever, kung anu-anong ka dramahan ang sinasabi niya sakin, pero hindi ako natitinag, hindi na siya nag reply ng time na yun. e putang ina hindi ko natiis, tinext ko siya kasi birthday niya kinabukasan kung baga gift nalang na patawarin ko siya pero iba nangyare, nagkatext kami na parang okay na kami, kinalimutan ko yung galit ko, just to see him happy. nag text siya around 10? sabi niya "Pag sinagot mo ko, baka magbago isip ko" nainis ako, ayoko ng ginaganun ako, yung nalang daw regalo ko nag isip ako ng nag isip, 11:50pm that time, sabi ko magtetext ako ng saktong 12am, YES! ang sagot ko sa kaniya, mejo may pag aalinlangan kasi nga hindi pa ko na coconvince para sagutin siya, e nakatulog ako. HAHA! natext ko siya by 1:01am. HAHAHA

ISAW PARTY/HAPPY 21th BIRTHDAY!/KAMI NA!
pag pasok ko ng room, lahat nakatingin sakin at bumubulong.. OKAY NA KAYO? umiling ako, for me hindi pa ako okay, pero sinagot ko na siya, muntanga lang? katabi niya friend ko nung that time, pero pinaupo niya ako sa tabi niya, at dahil birthday niya... pinagbigyan ko na, kiniliti niya ko sa tagiliran ko (lagi niyang ginagawa sa lahat) just to make sure we're okay, pero hindi ako nag react, tumahimik ako galit pa kasi ako, sinalubong niya ko ng salitang, "Paano magiging negative 'to? diba sa quadrant I....." okay? let's talk about the quadrant thingy.. ni hindi man lang nag sorry diba? parang tanga lang, 2 tropa ko may dalang gitara, may isa akong alam na chords SORRY NA.. nag gitara ako, napapaisip ako, dapat siya tumutugtog neto, e nakantyawan, ayun ginitara with lyrics pa, IKAW NA! :)) that day feeling ko malungkot siya, sabi niya nahihiya siya samin kasi wala siyang pera, walang pang handa at pang inom at dahil galante ang tropa niya, ayun... hinadaan at nag inum kami that masaya naman, enjoy actually napaka rami namin pictures nun. okay na kami... kami na talaga. :))


1 linggong pag-ibig..
1 week is the hardest part for me, wala talaga akong nararamdaman feeling ko nagsisisi ako sa pag sagot ko sakaniya, hindi ko naman sinasabi na lagi siya dumikit sakin kase akin siya... WOW AKIN SIYA! lol hindi ako nag seselos pero sana naman, alam niya yung salitang MAY GIRLFRIEND AKO e parang hindi, parang feeling ko iiwanan niya ko that time kasi okay na sila ulit. :)) feeling ko anytime anywhere mawawala siya sakin, hindi ko talaga naramdaman na mahal niya ko... KAHIT MINSAN.... actually muntikan na talagang maging isang linggong pag-ibig yun, nakabasa ako ng di kanais-nais na text niya.. pero hindi niya sakin tinext yun sa girl na yun.. hindi ko na ilalagay ayoko ng gulo, hindi ko intensyong mangielam ng inbox, naninigurado lang. nanginginig ako that time, ookay na e. mahal na kita brad e, gaguhan pa? HAHA! kinausap ko siya ta sinabi ko na ding SET YOU FREE, kasi nag hihintay lang sila na maging free silang dalawa e, edi paagahin natin. LOL! HAHAHA. ayun naging okay kami that day, nauto ako ng words of wisdom niya, sobrang bait ko nga kasi :))

after that, nakakaramdam na ako ng love & care na hindi niya binibigay, parang nagsisimula na kami maging happy together, parang eto na, eto na talaga lalaban na kaming dalawa. we're happy to each other, may bagay na nagkakaintindihan kami, parang mag tropa lang kami, minsan pa nga naghaharutan kami and we don't care what other people say, food trip sa hepa lane, kain dito, lakad dun bonding dito callcenter doon, masaya na kami talaga, mahal na talaga namin ang isa't-isa we understand each other moodiness, alam ko kung may problema or hinanakit siya. pero syempre may changllenges ulit punong-puno na kami nun actually. HAHA I need to go now, wala man ako magawa pero kailangan kong umalis, umalis para sa future ko. Hindi ko kaya yun at first, kunwaring matapang ako pero ang totoo hindi, mahirap ang LDR, maraming nagsasabing kaya nila, pero ang totoo hindi naman talaga, alam ko kailangan ng affections at kalinga ng boys syempre, hindi ko na magagawa yun diba? alangan na lumusot ako sa monitor para magawa lang yung mga bagay na yun, humahawak lang kami sa social media sites na kayang kaming pag tagpuin pero video nga lang..

ayokong iwan siya, hindi lang siya lahat ng nasa paligid ko. mahirap yun, mag aadjust ka ng bongga para makasabay sa kultura nila, malungkot kami parehas tingin ko mas dinadala niya yung lungkot sabi niya sakin, natetense daw siya pag iniisip niya na mangyayare yung bagay na yun. pero ang nangayare nag plano kami to enjoy the last few days together para happy kami pag naghiwalay kami. :)

PLAN A-Z
confidential, private para i-share pero kung anung nilalaman nito, parehas talaga kami magiging masaya. Ngayon? masaya kami. hindi na ako aalis, ang gagawin nalang namin, i-enjoy ang moments together, make an unforgettable moments together, enjoy lang.. sa mga dadating na challenges samin, goodluck samin minsan may mga bagay na dapat i-tapon nalang para walang problema, I know we can handle this, wala sa vocabulary ko ang sumuko sabi nga sa t-shirt NEVER GIVE UP, JUST DO IT. diba?


Wala pa kaming 1 month pero ang dami ko ng na kwento, ang cute ng nangyare samin, mejo magulo pero nag eenjoy kami sa malabo at magulong love story namin, alam ko hindi pa 'to yung ma bablog ko dito, alam kong marami pa.. alam ko kasing magtatagal to? HAHAHAHA ayoko man magbitaw ng salita. mag eenjoy nalang ako, alam ko ma eenjoy ko 'to.

At sa mga epal jan na nagsasabi mag bebreak kami, paki abangan nalang kung kailan, masaya kayo jan e, lalo kana :)) kahit kailan ang epal mo sa buhay ko, pero sabi niya nga wag na pansinin baka daw magalit. LOL!



- LovelySDG loves YOU!