Friday, September 12, 2014

Sayang

it takes time para marealize mo kung ano-ano yung bagay na nawala na sayo,
hindi man ngayon pero maybe in future.


Minsan ba nanghinayang ka sa isang matagal na relationship?
SAYANG yung pinagsamahan
SAYANG yung memories
SAYANG yung bonding
SAYANG lahat...


10months ago when it was full of love, laughter and sweetness everything was so perfect ika nga,
almost perfect pa nga daw kami pero ewan ko? kung ano yung masamang hangin na pumasok sa
kaniya at bigla nalang siya nagising na isang araw nakalimutan na niya lahat ng love niya para sakin


"Hindi na kita MAHAL"
"Baka kasi hindi ako yung taong para sayo"


Sabi nila linyahan ng mga may 3rd party, pero at in the end hindi ako naniniwala kahit punung-puno
na ako ng ebidensya, I trust him like I trust God ayokong maniwala pero siguro kailangan? Lahat na
ng kaibigan ko tinanung ko pero isa lang sagot nila... "Move on na 'te, papaasahin ka lang niyan"
I blog this because I'm okay, wala na kong nararamdamang hurt tinanggap ko na sa sarili ko na
WALA NA, hindi na siya babalik...


Ano bang dahilan?
hindi ko din alam, that time kasi alam ko ng malamig na kaya nagtanong ako sobra kong nasaktan
sa sagot niya, sagot niya ayaw kong mabasa, ayokong marinig pero siguro KASALANAN ko
talaga lahat, lahat ng hugot nasakin. Willing na ko magbago e, pero nasa simula pa lang ako pero
sumuko na maraming nanghinayang pero lahat yung tinatawanan ko nalang, lahat yung dinadeadma
ko nalang minsan nga napapatanong pa ako e, "Nanghinayang din kaya yun?" pero minsan ako
din yung sumasagot "Kung nanghinayang yun, bumalik na yun".


I cried everyday, pero hindi ko pinapakita sa kaniya, sobrang sakit parang ewan na hindi ko
maintindihan pero pag kaharap ko siya naka ngiti lang ako na parang walang nangyare madalas
ang ginagawa ko sa bahay muna ko iiyak bago pumasok para pag dating sa school UBOS NA!
HAHAHAHA tapos sa school tawa ulit pag uwi iyak ulit para bago matulog UBOS NA DIN! HAHAHA


hindi ko masasabing masaya ako ngayon, SAKTO lang hindi malungkot hindi masaya sakto lang.
pag kasama ko siya parang ang layo layo niya, hindi ko na siya maabot nakakausap at nakakasama
ko siya pero malayong-malayo na siya sakin, hindi ko alam pero siguro mas masaya kung hindi
ko siya nakakasama parang nalulungkot ako lalo pag nakakasama ko siya lalo na't napagkakamalang
BF ko..


Kanina, nakaupo kami sa tabi ng dingding may manong na naka tingin iniwan niya ko dun at uuwi na
daw siya tinanong ako ni manong kung boyfriend ko ba yun bigla kong nalungkot at sinabi kong hindi..
tumingin ako sa kaniya kahit malayo siya nasabi ko nalang sa sarili ko na... "Tama na lovely, tapos na.."
hindi na ako naiyak, OKAY na ko siguro.


Ang tagal ko din nagpanggap..
sabi ko sa sarili ko hindi ko na siya papansinin pero lagi kong kinakain yung sinasabi ko hindi ko siya
matiis na to the point na nagagalit na lahat ng nakapaligid sakin, naiinis ako pag nakikita ko siyang
malungkot na bakit kailangan pang umabot sa point na nag iisa siya na dapat naman talaga hindi. Pero
ginusto niya kasi yan wala na kong magagawa kundi GANITO NALANG....


one time nag park kami ng barkada, may swing dun tuwang tuwa ako sa swing na yun na to point
na naabot ko yung maximum yung swing na yun nag decide na ko bumaba na patalon pero sa kasamaang
palad, bumaldog ako dahil yung backpack ko ay sumabit sa swing kaya ng dulot sakin ito ng perwisyo
(Lessong learned: WAG KA MAG BAG PAG NASA SWING KA!) lahat ng tropa tumawa, nag aasume
ako nun na tutulungan man lang niya tumayo pero hindi e, nagalit pa siya at kumain na lamang..


two time, araneta with his siblings, ako yung tipo ng tao hindi na OOP or should I say OUT OF PLACE
pero that time nagmukha akong tanga sa katabi ko ng text ng text at naninigaw pag kinakausap mo...



WALA NA..
sabi nga sa kanta. "Minsan di mo na mapigil mapansin na talagang walang naiiwan ng PAGMAMAHAL"




So from now on, goodbye feelings for you hanggang dito nalang siguro ang love story na 'to na sa
una amazed na amazed ako ayoko pa sanang tapusin ang kwento na 'to pero siya na din kasi yung
tumapos e. :)









Now I can say this.....
I LOVE YOU, GOODBYE. :)

No comments:

Post a Comment